5-anyos na bata, ginahasa at pinatay ng mismong tiyuhin, suspek pinaghahanap na

3377

Karumal-dumal ang sinapit ng isang musmos na bata sa kamay mismo ng tiyuhin.

Ang 5 taong gulang na batang babae ay ginahasa at pinatay pala ng tiyuhin nito.

Ang suspek ay kinilalang si Nonoy Castro, tiyuhin ng biktima.

Ang bata ay nakita sa may putikan na nakadapa na at wala ng buhay.

Pinaghhanap pa rin ang suspek na tumakas na matapos ang ginawang krimen sa bata.

Nangyari ang insidente sa Purok San Isidro, Brgy. San Roque, Palimbang, Sultan Kudarat nitong Martes.

Viral na sa social media ang larawan ng suspek.

Nananawagan na rin ang mga residente at mga netizens na tumulong mahanap kaagad ang suspek upang mabigyan na ng hustisya ang biktima at ang pamilya.

Sa nakakakilala sa suspek ay ipagbigay alam agad ito sa kinauukulan.

Isang residente ng nasabing lugar na si Alma Taboniag Larawan, ang nagbahagi ng larawan at gigil na gigil sa supek dahil sa nagawang walang kahiyaan sa mismong pamangkin.

Ayon kay Larawan, nagtutulong-tulong na sa kanilang lugar upang mahanap ang suspek.

Facebook Comments