27 anyos na Doktor, nam4tay dahil sa sobrang pagod; 10 araw ng walang pahinga sa panggagamot sa mga pasyenteng may nCoV

Usap-usapan ngayon online ang pagkasawi ng isang 28 anyos na doktor sa China dahil umano sa pagod at sobrang pagtatrabaho upang pigilang kumalat ang 2019 nCoV.

Ayon sa ulat ng Daily Mail UK, nam4tay ang doktor matapos atakihin sa puso makalipas ang sampung araw na pagtatrabaho bilang frontliner sa virus.

Ang doktor ay kinilalang si Song Yingjie, 27 anyos, isa siyang team leader sa isang local clinic sa Hunan Province.

Pahayag ng mga otoridad, walang tigil sa pagtatrabaho si Song simula pa noong Enero 25.

Naka-assign siya sa kalsada sa pagkuha ng mga temperature ng mga motorista at pasahero.

Photo credit: Hengyang Government

Isa rin umano siya sa mga namamahagi ng mga medical supplies sa kanyang mga kasamahan.

Sa loob ng sampung araw, kinaya ni Song ang pagtatrabaho ng walang pahinga sa abot ng kanyang makakaya.

Matapos ng kanyang trabaho noong Pebrero 3 ay nakauwi na siya upang magpahinga.

Laking gulat ng kanyang mga kasamahan ng makitang wala ng buhay si Song sa kanyang kwarto.

Photo credit: Hengyang Government

Sobrang nalulungkot at nagdadalamhati ngayon ang pamilya ni Song dahil sa kanyang pagkawala.

Samantala, umabot na sa 493 ang nam4tay nang dahil sa coronav1rus sa Wuhan at umabot naman sa mahigit 24,000 ang infected ng naturang v1rus.

Loading...