22-anyos na online seller, naging milyonarya sa gitna ng pandemya

Hinangaan ngayon online ang 22 anyos na babae ito ay matapos maging milyonarya dahil sa pagiging live online seller.

Maituturing isang inspirasyon si Joyce Sibayan sa mga gaya ng online seller. Sa batang edad ay isa na siyang milyonarya ngayon.

Magmula noong magsimula ang pandemya at may lockdown na, naging uso na rin ang pag-o-online selling. Dahil sa social media mas nagiging madali para sa lahat ang magbenta at bumili online.

Photo Courtesy of Joyce Sibayan

Isa sa naging live online seller si Sibayan. Ayon sa ulat ng 24 oras, nagsimula si Sibayan sa pagbebenta online, anim na buwan na ang nakakaraan. Hindi umano niya lubos na inakala na magtatagumpay siya at maaabot ngayong pandema ang kanyang minimithi.

Dati na umanong nagbebenta ng mgacosmetic product at preloved clothes si Sibiyan. Marami na siyang sinubukan ngunit ngayon lang umano siya sinuwerte.

Kaya naman laking tuwa at pasasalamat ni Sibiyan sa kanyang tagumpay na nakamit.

Photo Courtesy of Joyce Sibayan

Sa kanyang panayam ay naging emosyonal siya habang ibinabahagi ang kanyang mga karanasan.

Aniya, hindi naging balakid ang kanyang mga karanasan bagkus naging daan pa ito upang siya’y magsumikap. Naging madiskarte lang umano siya sa buhay at sinamahan rin ng sipag at tiyaga para umasenso.

Basahin ang kanyang Facebook post:

I’M MILLIONAIRE AT 22!!

Kanina pag punta ko sa coop para mag deposit mangiyak ngiyak ako sa tuwa

Sobrang special ng araw na ‘to, today I was able to hit my first milly!!

Nagbunga lahat ng pagod, luha at pag se-self doubt ko kung tama ba lahat ng mga desisyon at career na tinatahak ko sa buhay. Today, I was able to answer those self doubts

Photo Courtesy of Joyce Sibayan

Akala ko talaga matagal ko pa ‘to maa-achieve since andami ko talaga gastusin since February, sumabay pa yung renovation ng mga rooms namin at pricey talaga sya

Plus, nag splurge talaga ako sa gastos for the past few months

Pero when you let God work on your plans talaga nothing is impossible

Worth it lahat ng pagod at pagtitiis, habang yung iba nag a-outing, living their life ang mga ganap

ako, andito nag iinvoice, nagpa-pack at nag la-live selling. Lumalaban, para sa pangarap. Magmula sa simpleng pagtitinda ko ng preloved clothes, chili garlic oil (na ako din gumagawa tapos binebenta ko din sa school

tapos bina bahay-bahay namin ng supportive kong bf Bryan para lang makabenta tuwing wala akong klase) mga SG cosmetics, pag oopen ng sarili kong shop (na dahil sa pandemic kinailangan kong isara

) pag re-rebrand name it, lahat yan pinasok at sinubukan ko.

Sumubok ako nang sumubok, ilang beses nag trial and error, bago ko marating to. Hindi madali, kasi wala namang ganun lahat pinagsusumikapan at pinaghihirapan. Merong times na nag bri-breakdown nako lalo na nung ginive up ko yung cosmetic line at shop ko, nawala talaga ako sa sarili ko. Pero bumangon padin, kasi wala naman tayong choice sa life ses!

Sino ba namang mag aakala na yung dating pinagpupustahan na walang mararating sa buhay, eh itina-type to ngayon

yung di magaling sa academics eh maaabot to ngayon.Kaya sa mga katulad ko na, laging nasasabihan na walang mararating sa buhay at sa mga laging least chosen sa klase wag kayo panghihinaan ng loob!!

Wala sa talino yan, asa DISKARTE yan! Believe me, that’s the real deal in life

At syempre salamat kay Lord, lahat ng to sayo galing

Salamat sa supportive parents ko kung wala kayong pangaral at kung di kayo naniniwala sakin, wala lahat nang na achieve ko sa buhay. Tsaka sa mga suki ko!!! Mahal kayo ni madam Joyce sana proud kayo sakin.

Isa nanaman ako sa magpapatunay na may MILYON sa ONLINE SELLING at di kami “lang” LANG. At naman, papahuli bako sa kasabihang kung kaya ko, KAYANG KAYA mo din!!

Sharing this to inspire all of you guys lalong lalo na sa mga pinanghihinaan ng loob ngayon, di alam san magsisimula at kailangan ng konting push kung may iniisip ka mang business, simulan mo na!! Kung dumaan man to sa wall mo, This is the sign!!

Alam ko maliit pa to sa iba, pero di ko ikahihiya dahil pinaghirapan ko to.

Pasimula palang ako, mas malawak pa ang opportunities natin sa next! At dahil yan sayo Lord!!

“When the time is right, I, the Lord will make it happen” Isiah 60:22 Ang proud online seller at raketera ng Baguio, MillionaireAt22!!

Edit: Palike naman po ng page ko Premium Beddings PH para sa mga gusto mag reseller at kumuha ng bulto sakin soon!

#youngmillionaire#youngentrepreneur#millionairemindset

Loading...