VIRAL: Netizens, nadurog ang puso matapos makitang di makakain ng maayos ang aso dahil sa butas sa leeg

Apektado lahat ng netizens matapos masaksihan ang kalagayan ng isang aso habang kumakain.

Viral ngayon ang video ng isang asong kumakain ngunit lumalabas lang sa kanyang leeg ang pagkain.

Kitang-kita ang hirap na pinagdadaanan ng aso dahil halatang gutom na gutom ito.

Sa video na kuha ni John Paolo Santiago Navea, kwento niya na napansin nila ng kanyang ina ang aso na iniinum ang pinaglabhang tubig.

Naawa umano sila sa aso, kung kaya naisip nila pakainin at bigyan ito ng malinis na maiinom.

Ngunit ang pumukaw sa kanilang atensyon ay ang pagkaing nahuhulog lang sa leeg ng aso.

Ito rin ang dahilan kung bakit nalungkot lahat ng mga netizens ng mapanood ang nakakabagbag damdaming sitwasyon ng aso.

Ayon kay Navea, tingin umano niya na kakatayin ang aso ngunit nakatakas lamang kung kaya nagkabutas ang leeg nito.

Hiling ni Navea, sana matigil na ang kalapastanganang pagkatay sa mga aso.

Basahin ang buong kwento:

Nakita namin ni mama kanina yung aso na ito na umiinom sa aming pinaglabahang sabon . Kaya ang ginawa namin binigyan namin sya ng malinis na tubig at pinakain sa aso yung natira naming noodles. Habang pinagmamasdan ko yung aso habang kumakain tila kako parang lumalabas ulit yung kinakain nya. Pagka kita ko may malaking butas pala doon sa banda nyang leeg. Naisip ko na yung aso na ito ay dapat kakatayin pero siguro naka takas lang.

Sana naman matigil na yung pagpatay sa mga aso. Sana kung ganto man ang itsura ng alaga nyo at hindi na kayang alagaan.sana iturn over nyo nalang sa kinauukulan . #animallover

Umabot na rin sa milyon ang views ng naturang video at nasa 59 na rin ang shares nito.

Loading...