20 pasyente sa Wuhan, gumaling na sa coronavirus at nakalabas na rin ng ospital

Isang magandang balita ang hatid ngayon sa pagsisimula ng Pebrero. Ito ay matapos ianunsyo na 20 pasyente na ang gumaling matapos sila tamaan ng 2019 novel coronavirus.

Sa larawan na ibinhagi ng China Daily, makikita ang dalawang matandang mag-asawa kung saan makikita sa kanilang mga mata ang saya na nararamdaman nila.

Ang 67 anyos na si Wan at kanyang misis ay naiulat na nagkaroon ng coronavirus.

Photo courtesy: China Daily

Subalit nitong Biyernes, Enero 31, ay pinalabas na sila ng ospital matapos nilang gumaling sa naturang sakit.

Dalawampung pasyente pa mula Jinyintan Hospital sa Wuhan ang gumaling rin at nakalabas na ng ospital.

Nagpapatunay lamang na may pagbabago ng nagaganap sa patuloy na pagsisikap ng China na gumaling ang mga pasyente.

Photo courtesy: Daily Mail
Photo courtesy: Daily Mail

Bagama’t nagdulot ng takot ang coronavirus sa lahat, magandang balita naman ang hatid ngayon dahil may iilan ng pasyente ang gumaling na tinamaan ng coronavirus.

Maraming bansa ang apektado sa naturang sakit. Kung saan araw-araw ay nadadagdagan ang listahan ng mga taong tinamaan nito.

Mahigit 200 pasyente na rin sa China ang namatay dahil rito. Ngunit paliwanag ng WHO, ang mga taong ito ay iyong may mga sakit na o kaya’y immunocompromised.

Ang edad na gumaling sa corona ay nasa 15 hanggang 64 anyos.

Dagdag pa ng ulat, umabot na ng 72 pasyente ang gumaling sa virus na ito.

Panoorin ang video mula sa Daily Mail

Loading...