2 magkaibigan, huli sa pagbebenta ng overpriced thermal scanner

Kalaboso ngayon ang dalawang magkaibigan matapos mahuli dahil sa pagbebenta ng overpriced thermal scanner sa Pasig City.

Matapos ang isinagawang entrapment operation ng mga kapulisan, nahuli ang dalawa sa loob ng isang kilalang fast food store sa Barangay San Nicolas bandang 5:10 ng hapon nitong Lunes.

Ang dalawa ay kinilalang sina Sofia Loren, 27-anyos, at Melvin Loto, 37-anyos na taga Tawiran Street Barangay Santolan sa Pasig City.

Photo Courtesy: Mcmc
Photo Courtesy: Mcmc

Dahil sa pagpatong ng mataas na presyo ay haharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 7394 o ang Consumer Act.

Nakumpiska naman sa dalawa ang 10 unit ng thermal scanner at P50,000 boodle money na ginamit sa operasyon.

Loading...