2 gold medals! Tatay ng Indonesian athlete pumanaw matapos masungkit ng anak ang gintong medalya

Tagumpay na nasungkit ni Indonesian athlete na si Edgar Xavier Marvelo ang dalawang gintong medalya matapos magwagi sa Daoshu at Wushu events sa World Trade Center nitong Martes sa 30th Southeast Asian Games.

Ngunit magkahalong saya at lungkot ngayon ang nararamdaman ni Marvelo matapos niyang mapag-alaman na pumanaw na rin ang kanyang ama.

Habang lumalaban sa kompetisyon si Marvelo ay pumanaw na pala ang kanyang ama.

Photo courtesy: 2019 SEA Games/ Facebook

Ibinahagi ng 2019 SEA Games Facebook page ang madamdamin at emosyonal na larawan ni Marvelo nang malaman ang nakakalungkot na balita sa ama.

Photo courtesy: 2019 SEA Games/ Facebook
Photo courtesy: 2019 SEA Games/ Facebook

Inalay naman niya ang dalawang napanalunang gintong medalya sa kaniyang bansa at yumaong ama.

Nakiramay naman ang mga netizen sa pinagdadaanang lungkot ng atleta at binati rin nila ang kanyang tagumpay.

Umani ng 10,000 reactions at mahigit 1,000 ang nag-share ng naturang post.

Samantala, bumuhos rin ang pakikiramay ng mga kababayang pinoy sa comment section.

Ayon kay Reyn Guerrero, “Our hearts out for you dear athlete! Congratulations for sure your father is so proud of you and is now watching you from above.. Stay strong!”

Saad naman ni Nelson Oc, “From us in the Philippines, you stood strong and inspiring…congratulations!”

Mensahe ni Haze Nada, “Our heartfelt condolences. My prayers goes to you and your family. Your father is definitely proud of you and your achievement. Continue to make him proud and stay strong! Lots of Love from your filipino brothers and sisters.”

Dagdag naman ni Mary Ann, “A true athlete. Congratulations and condolence to you our Indonesian brother. Your papa must be smiling down from heaven as he is so proud of you .”

Loading...