2 binatilyo sa Laguna na lumabag sa curfew at walang suot na face mask, pinagsasampal ng tsinelas ni kap

Dahil sa paglabag sa quarantine protocols, dalawang binatilyo pinagsasampal umano ng tsinelas ng isang kapitan sa San Pablo City sa Laguna.

Inireklamo ngayon ng dalawang binatilyo na taga Barangay San Crispin sa San Pablo City ang kanilang kapitan matapos umano silang pagsasampalin ng tsinelas nito.

Ayon sa kanilang panayam sa GMA news, nahuli silang lumabag sa curfew at wala pang suot na face mask kaya naman dahil sa galit ay sinampal sila ng tsinelas.

Ang dalawang binatilyo ay kapwa 15 anyos pa. Inirereklamo nila si chairman Abner Dionglay dahil matapos ang insidente ay bumakas ang mga latay ng tsinelas sa kanilang mukha at leeg.

Galit na galit rin ang magulang ng mga bata dahil sa pangmamaltrato nito sa kanilang mga anak.

Ang insidente ay nangyari noong Hulyo 18, alas siete ng gabi.

Ayon sa repost, ipinadala pa umano ni Dionglay sa police station ang dalawa, pero pinauwi rin.

Ang lalong ikinagagalit ng magulang ay nakainom umano ng alak si kapitan ng mangyari ang insidente.

Samantala, nagsampa na ng kaso ang mga biktima laban sa kapitan.

Panoorin ang buong ulat:

Loading...