111-anyos na centenarian, hindi pa natatanggap ang kanyang cash gift na P100k; Apo, umapela ng tulong

Umapela ng tulong sa social media ang isang babae sa kadahilanang hindi pa umano natatanggap ng kanyang 111-anyos na lola ang cash gift nito.

Viral online ang panawagan ni netizen Kathlyn Acudesin matapos niyang humingi ng tulong upang matulungan silang makuha ang cash gift ng kanyang lola.

Si lola Juana Pulga ay 111 anyos na nitong nakaraang Mayo 29. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa umano nito natatanggap ang P100,000 mula sa gobyerno.

Sa kasalukuyang bat4s na Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016, ang mga senior citizen na umaabot sa 100 ay binibigyan ng P100,000.

Isang dekada na ang lumilipas at hindi pa rin nakukuha ni lola ang pera. Kaya naman dumulog na sa social media ang kanyang apo upang matulungan agad sila.

Credits: Kathlyn Acudesin / Facebook

Kasalukuyang nasa San Jose del Monte, Bulacan ngayon si lola. Nakatira umano ito sa anak nitong si Danilo Pulga.

Basahin ang kanyang buong post:

“Magandang Araw po sa inyong Lahat Humihingi po Sana ako ng konteng Tulong para po sa Aking Lola na si Juana Pulga Kasalukuyan po siyang Nakatira sa kanyang Anak na Si Danilo Pulga na Nakatira po Sa BLK 60 LOT 14 BB-3 SAN JOSE DEL MONTE BULACAN.

Ang Lola ko po ay isang Centenaryan Ang kanya pong Edad Ay 111 po ngayong Darating Na Mayo 20 ,2021.

“Kasalukuyan hindi pa po siya nakakatanggap ng 100,000 Sana matulungan niyo po Kami Kahit Pambili lang po ng Prutas Gatas at Pampers nya po .

Maraming Salamat at Godbless po .

Nanawagan rin ang mga netizen na matulungan si lola para naman ma enjoy nito ang prebeliheyong ito bago paman ito mamaalam sa mundo.

Napakalaking tulong na nito upang mabili nito sng kanyang mga pangangailangan mula sa gatas, pagkain, diapers at iba pa.

Loading...