10-anyos na batang babae, nalapnos ang balat matapos sumabog ang naka charge niyang tablet

7414

Nakakaawa ang kalagayan ng isang batang babae sa Villanueva, Misamis Oriental matapos sumabog ang naka charge niyang tablet at nalapnos ang kamay, braso at hita ng bata.

Nangyari ang insidente noong Miyerkules, kung saan habang naka charge ang tablet nito na ginagamit naman ng bata ay biglang sumabog na lang.

Ayon sa ulat ng GMA, hinala ng kaanak ng biktima ay peke ang charger ng tablet kaya ito sumabog.

Maayos na umano ang kondisyon ng bata matapos itong madala sa ospital.

Mula noon paman, nagpaalala na ang mga eksperto na huwag iwang naka harge ang mga gamit dahil may ilang kaso ng naitala gaya nitong pagsabog.

Madalas cellphone ang laging naiuulat na sumababog.

Ayon sa ibang biktima ay bigla na lang daw sumasabog ang baterya ng kanilang cellphone at mayroon din ila habang naka-charge.

Marami na ring nagiging biktima sa ganitong insidente. Kaya payo sa lahat, huwag iwanang naka-charge ang gadget.

Huwag ring ilagay ang cellphone o gadget sa ilalim ng unan habang naka-charge para maka iwas sa disgrasya.

Panoorin ang buong ulat:

Facebook Comments