1-month old baby nagka pneumonia dahil sa sigarilyo, agad pumanaw

33066

Sobrang pighati ang nararamdaman ng mga magulang ng sanggol na isang taong gulang pa lang matapos ito tinamaa ng pneumonia at ngayon ay ipinagbuburol na nila.

Nakakalungkot ang naging tadhana ng isang sanggol dahil hindi na nito masisilayan ang magandang mundo at nagdadalamhati naman ang magulang ni Baby Hafizh.

Ayon sa Asianparent, ang sanhi ng pnuemonia ng sanggol ay nang dahil sa usok ng sigarilyo.

Hindi umano namalayan ng ina na si Indah na may naninigarilyo sa bahay nila noong nagkaroon ng selebrasyon sa bahay ng kanyang biyenan.

Nagkaroon umnao ng pagtitipon doon bilang selebrasyon sa kanyang kapapanganak at bilang tradisyon na rin sa unang pag-gupit ng buhok ng bata.

Habang maraming bisita ay naging abala naman si Indah sa pag-asikaso at pakikipagsalamuha sa mga bisita.

May ilang bisita pala ang naninigarilyo na sa loob ng bahay at ito ang naging dahilan kung bakit nagkasakit ang bata.

Ayon sa nanay, hindi nito agad na nalaman ang dinadamdam ng anak dahil wala umanong sintomas na nagpapahiwatig na may sakit ang anak.

Ngunit makalipas ang dalawang araw, nagkaroon ng ubo si Hafizh at tila nahihirapang huminga.

smoking around newborns

Ngunit dahil sa sanggol pa umano ang bata ay napagpasyahan nilang si Indah muna ang iinom ng gamot upang maipasa ito sa pagdede ng bata.

Dinala rin ng mag-asawa upang patingnan sa midwife ngunit hindi rin bumuti ang lagay ng bata. Sa katunayan, mas lalo pang lumala ang kondisyon nito.

Kaya naman dinala na nila ito sa ospital kung saan siya tuluyang nasuri ng mga doktor. Napag-alaman na mayroon ng pneumonia si baby Hafizh.

Labis ang pag-aalala ng magulang sa bata dahil sa kalagayan nito at marimi pang aparatos ang nakakabit rito.

smoking around newborns

Nakita umano sa x-ray ng sanggol na puro puti ang baga nito.

Humingi pa raw ng consent ang ospital para maoperahan ang sanggol sa oras na hindi umayos ang lagay nito.

Unti-unti ring pinanghinaan ng loob ang mga magulang dahil dalawang Linggo na ang nakakalipas ay hindi pa rin magaling ang bata.

Sa mga huling sandali ay kapiling ni baby Hafizh ang magulang. Sa paghalik ng nanay ay pumanaw rin umano ang bata.

smoking around newborns

Malaki talaga ang epekto sa kalusugan pagsisigarilyo at lalong lalo na sa mga nakakasinghot nito.

Kaya naman nakakabahala kung mayroong miyembro ng pamilya ang naninigarilyo dahil bukod sa secondhand smoking at mayroon ring thirdhand smoking, kung saan dumidikit ang usok ng sigarilyo sa damit, punda o kaya’y sa kurtina ng bahay.

Pinapayuhan ang mga magulang na laging maging maingat, lalo na kung may mga bata sa paligid dahil sila ay madaling hawaan ng mga sakit.

Source: Asianparent

Facebook Comments